2009/09/01

Crush

Naalala ko blockmates tayo and una't huli tayong naging magkaklase sa Math 17. Maaga akong dumating sa klase at nakaupo sa 2nd row, samantalang ikaw eh nakaupo sa likuran at may kadalasan ding late ka kung pumasok. Nonetheless, there's something in you which really piqued my interest. I dunno, I just can't exactly put my finger in it. Is it because you seemed to me like a big bro potential, even though 20 days lang pala ang tanda mo sa 'kin? Is it because of your quiet and mysterious ways? There's something in the way you walk and look na parang you invite me to see the world as you see it. Hanggang ngayon, di ko pa rin alam, pero you got me there.

Finally, nabigyan din ng opportunity na magkausap tayo. Naalala ko, shotgun ata ang pagkakagawa ng group natin sa inter-block quiz bee, as in on the day itself ko lang ata nalaman na teammate kita. (I can't exactly remember kung anong tawag dun sa contest na yun, basta isang frat sa eng'g ang organiser nito.) Anyway, thankful ako na nagkakilala tayo at nagkausap sandali. Pinahanga mo pa nga ko sa pagkakasagot mo sa math question dun sa isang round. Wow! Pero parang bitin lagi ang pagkakakilala ko sa 'yo, kahit hanggang ngayon.

After nun, di na tayo masyado nagkausap. Siguro every now and then we bumped into each other and even exchanged text messages. Andun ka pala noong Stephen Speaks concert tapos you texted me pa upon hearing my name sa Pick of the Week Challenge ng Final Countdown sa Magic. Uy, chart affecionado ka rin pala. And astig, tuwing New Year's Eve ang paborito mong gawin eh makinig din sa mga yearend countdowns. Sayang di natuloy yung pag-exchange natin ng mga nalista nating charts. Nagkawalay tayo ng landas after 2003.

Siguro mabibilang sa mga daliri ng isang kamay ko ang mga pagkakataong nagkita uli tayo sa sumunod na 3 taon. Nag-shift ka na nun sa BA, samantalang nagpursigi akong tapusin ang Math. May mga naging kaibigan din ako, pero isa kang kakulangan sa 'kin. You're a missing piece sa puzzle, that is my college life. I can say that we're more than acquaintances, pero di ko masasabi kung friendship ba 'tong sa 'tin.

December 2006 - Habang inaayos ko ang Multiply site ko dahil gusto ko nang gawing online ang weekly charts ko, I stumbled upon your blog. Dun ko nalamang you're gay. Pero you know what, hindi ako nandiri sa 'yo or anything. Bagkus, mas lalo pa kong naging interesado na makilala ka. Gusto kong malaman ang maraming bagay about you na sa 'yo mismo galing - kung kelan mo nalaman na hindi ka straight, na kung ang katahimikan mo ba eh dahil sa issues mo about your sexuality back then. I didn't see it coming actually, considering na I saw your Friendster pic na kasama mo ang isang member ng 6Cycle Mind. And ang porma mo, pang-chick boy. Kung mas nakilala pa kita, nanaisin kong magpaturo sa 'yo kung paanong manligaw.

Sa ngayon, Facebook lang ang primary means of communication natin. Nakakalula, 3K ang friends mo roon! And thank you for tagging me sa mga music-related posts mo ah, and sa pag-acknowledge mo sa mga comments ko gayundin sa pag-like mo sa mga posts ko. Thank you for sending me text messages as well, all those funny and thought-provoking messages. I dunno what I've done to deserve it. Hindi ako katulad ng mga kaibigan mo na kasing-astig mong pumorma (kahit na many of them aren't straight, I dunno) and inaatake ako ng feeling of unworthiness whenever we bump into each other along Ayala Ave. And naalala ko, may kasalanan pa ko sa 'yo kasi I refused to do you a favour of getting a credit card sa HSBC. Kahit na sinabi mong for the sake of a friend.. Kahit na mukhang napatawad mo na ko, ilang beses ko pa ring naisip mag-sorry sa 'yo for that incident.

I still hope I can invite you for coffee or tea one time. Sana magkasya ako sa social calendar mo. Yes, it'll be in a friendly setting kahit na alam kong sa sarili ko na more than a friend ang tingin ko sa 'yo. Hindi ko maipaliwanag. Basta alam ko, you're the first guy who made me seriously doubt about my sexuality. You're my first serious guy crush. I always wanna have updates about you (not in a stalker sorta way of course), and sana pansinin mo rin ako someday. Until then, I'm just happy na I'm inside your circle and I'm wishing you well. =)